Inihayag ng pamunuan ng Bureau of Corrections na target nitong palayain ang 532 na Persons Deprived of Liberty sa darating na Abril 20 ng kasalukuyang taon.
Ito’y bahagi pa rin ng decongestion program ng pamahalaan upang lumuwag ang mga piitan sa bansa.
Ang kabuuang bilang na ito ay nagmula sa iba’t-ibat ibang penal farm sa Pilipinas.
Ang unang 75 na bilanggo ay mula sa maximum security compound, 122 ay mula naman sa Medium habang ang 12 naman ay galing sa minimum security compound.
Kabilang rin sa mga palalayain ay mula ang dalawang inmate mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC), 20 sa Leyte Regional Prison,62 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF)
Mabibigyan rin ng pagkakataon na makalaya ang 16 na inmate mula sa Sablayan Prison Penal Farm(IPPF), 40 sa Correction Institute for Women , 24 mula sa iwahig Penal Farm habang 54 naman galing sa Davao Prison and Penal Farm.
Batay sa datos ng Bureau of Corrections, karamihan sa mga mabibigyan ng pagkakataong masilayan muli ang labas ng kulungan ay matagumpay na nakumpleto ang kanilang sentensya sa loob ng piitan habang ang iba naman ay nabigyan ng Parole ng gobyerno dahil sa mabuting asal na ipinamalas nito habang nasa loob ng kulungan.















