Nilinaw ng Bureau of Corrections na ang visitation privilege paraw sa mga persons deprived of liberty New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ay hindi sinuspinde ng kawanihan.
Ito’y sa gitna ng mga balitang sinuspinde ang mga pagbisita hanggang sa Hunyo 9 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni BuCor chief Director Gen. Gregorio Catapang Jr. na ang mga ulat ay maaaring resulta ng maling interpretasyon ng mga pinuno at bisita ng BuCor.
Sinabi ng opisyal na isang dahilan kung bakit maaaring ipinakalat ang naturang impormasyon nang walang tamang fact-checking ay dahil gustong personal siyang atakehin ng ilang empleyado ng BuCor.
Huling sinuspinde ng BuCor ang pagbisita sa Bilibid sa panahon ng pagdami ng mga impeksyon sa COVID-19 sa loob ng nasabing bilangguan.