-- Advertisements --
image 444

Humingi ang Bureau of Corrections (BuCor) ng karagdagang budget na P1.5 bilyon para sa 2024 bukod pa sa mahigit P6 bilyong na natanggap nito noong 2023.

Ayon kay Director General Gregorio Pio. Catapang Jr., nakitra mismo ng mga mambabatas ang katayuan ng New Bilibid Prison at ang kalagayan ng mga Persons Deprived of Liberty.

Gayundin ang mga pasilidad at mga kulungan na kailangang ayusin sa BuCor.

Sinabi ni Catapang na nagsumite ang BuCor ng kanilang panukalang karagdagang budget sa House Committee on Appropriations bilang pagsunod sa kahilingan ng House Committee on Justice.

Sinabi niya na ang karagdagang pondo ay kailangan upang gawin ang dapat isaayos sa iba’t ibang mga kulungan at penal farm sa buong bansa sa pagsuporta at pagpapatatag ng Philippine Justice System at pagtiyak ng kaligtasan ng publiko.

Binanggit niya na ang karagdagang budget ay gagamitin para sa pagkuha ng K9 units sa halagang P10 milyon, advanced body-worn camera (BWC) system para sa P320.4 milyon, at scanner machine sa halagang P812 milyon, karagdagang pondo para sa closed-circuit television o CCTV camera surveillance system para sa P154.6 milyon, at pagpapatayo ng mess hall para sa mga PDL sa halagang P169.1 million.