Nasilat ng New Orleans Pelicans ang Utah Jazz, 98-97.
Naging bayani sa panalo nang nangungulelat na Pelicans si Devonte Graham Nang maipasok ang go-ahead 3-pointer sa kabila na 1.9 seconds ang nalalabi sa laro.
Ito pa lamang ang ika-limang panalo ng Pelicans at meron ng 16 na talo.
Gulat naman ang Jazz lalo na at natikman nila ang ika-pitong talo mula sa 12 panalo.
Nanguna sa panalo ng Pelicans si Brandon Ingram na may 21 points at 8 rebounds.
Sa ibang game, naidagdag naman ng Milwaukee Bucks sa kanilang biktima ang Denver Nuggets, 120-109.
Nasa ika-anim na rin na sunod-sunod ang panalo ang Bucks para sa 12-8 record.
Muling dinomina ni Gianniz Antetokounmpo ang laro nang magtala ng 24 points at 13 rebounds.
Samantala, muli na namang nagpakitang gilas si Stephen Curry upang tulungan ang Golden State Warriors sa ika-17 nitong panalo laban sa Portland Trail Balzers, 118-103.
Kumamada si Curry ng 32 points, walong assists at pitong rebounds para manatili ang koponan bilang top team ngayong bagong NBA season.