Video courtesy of Ximo Pierto

Nagpasabog ng impresibong 24 points at 17 rebounds si Giannis Antetokounmpo upang bitbitin ang Milwaukee Bucks tungo sa panalo sa kanilang playoff opener kontra Detroit Pistons, 121-86.

Pitong mga players sa kabuuan ang nagtala ng double digits para sa Bucks, na napalawig ang lamang sa Pistons ng hanggang 43 points.

Ang kanilang 35-point margin ang ikatlong pinakamalaking kalamangan sa playoff history ng franchise.

Umalalay sina Eric Bledsoe na humugot ng 15 points, at Brook Lopez at Khris Middleton na kapwa may 14 para sa Milwaukee.

Sumandal naman ang Detroit kay Luke Kennard na naglista ng 21 points mula sa bench, at kay Andre Drummond na may 12-point, 12-rebound double-double.

Nagtala lamang ng 38% shooting ang Detroit mula sa field, at may 8 of 27 mula sa downtown.

Sa Milwaukee ulit idaraos ang Game 2 sa araw ng Huwebes.