Nakadagit na kaagad ng puwesto sa NBA playoffs ang Milwaukee Bucks, isang linggo lamang matapos ang All-Star Game.

Ito’y kahit na walang laro ngayong araw ang Bucks, dahil nabigo ang Washington Wizards sa kanilang bakbakan ng Chicago Bulls, 126-117.

Batay sa pananaliksik, ang Bucks din ang nakasungkit ng pinakamaagang playoff berth sa loob ng 15 taon sa ilalim ng kasalukuyang format.

Nahigitan nito ang record ng Warriors noong 2017 na nakausad na sa postseason noong Pebrero 25 ng nasabing taon.

Sa kasalukuyan ay tangan ng Milwaukee ang 48-8 record at nangunguna sa standings sa Eastern Conference.

Magsisimula sa Abril 18 (Abril 19 sa Pilipinas) ang postseason.