Panalo na naman ang Milwaukee Bucks laban sa Atlanta Hawks para makuha ang Game 3 sa iskor na, 113-102.
Dahil dito abanse na ang Bucks 2-1 sa kanilang serye sa Eastern Conference finals.
Sumandal ang Bucks sa kanilang momentum sa panalo sa Game 2 at hinabol ang kalamangan ng karibal na team pagsapit ng 4th quarter.
Nanguna sa opensa ng Bucks si Khris Middleton na nagbuhos ng 20 points sa 4th quarter mula sa kanyang kabuuang 38 big points at 11 rebounds.
Malaking tulong din ang ginawa ni Giannis Antetokounmpo na nag-ambag ng 33 points.
Minalas pa ang All-Star guard ng Hawks na si Trae Young na nagtamo ng injury sa right ankle sa 3rd quarter pero bagamat nakabalik sa 4th quarter ay halatang apektado na ang kanyang galaw.
Bukas nakatakda itong sumailalim sa MRI.
Nagtapos si Young sa 35 points.
Gagawin ang Game 4 sa teritoryo muli ng Atlanta sa Miyerkules.