-- Advertisements --
Nagbigay ng nasa P4.1 milyon ang BTS member na si Suga bilang donasyon sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.
Isinagawa nito ang pagbibigay ng donasyon kasabay ng kaniyang ika-30 kaarawan.
Kinumpirma ng non-government organization na “Save the Children” ang donasyon ng Korean star member.
Magugunitang nitong Pebrero 6 ng tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria na ikinasawi ng mahigit 50,000 katao.