-- Advertisements --

Inanunsiyo ng BTS member na si Jungkook na kabilang ito na magtatanghal sa Global Citizen Festival sa New York City.

Gaganapin ito sa Central Park, New York sa darating na Setyembre 23.

Sinabi nito na nagulat siya ng tawagan siyan ng organizer at inimbitahan para magtanghal.

Noong 2021 ang buong miyembre ng BTS ay nagtanghal mula sa Seoul bilang bahagi ng Global Citizen Live.

Layon ng organisasyon na isulong ang social justice, equity at pagtatapos na ng labis na kahirapan sa mundo.