-- Advertisements --

Inanunsyo ng Korean group na BTS na magsasagawa sila ng concert sa Busan sa Oktubre.

Ito ay bilang suporta sa pag-bid nila ng 2030 World Expo.

Bukod pa dito ay nakatakda ring italaga ang grupo bilang ambassador ng event ngayong buwan.

Ayon kasi sa organizer na Bureau International des Expositions (BIE) na ang World Expo o kilala din bilang International Registered Exhibitions ay aktibidad ng isang bansa na dadaluhan ng mga iba’t-ibang international organization.