-- Advertisements --
Opisyal na kinilala bilang honorary ambassador ang Korean K-pop group na BTS.
Sila ay itinalaga para mapalakas ng nasabing bansa ang pag-bid sa paghost ng 2030 World Expo sa Busa.
Isinagawa ang pagtatalaga sa seven member group sa Hybe’s headquarters sa Youngsan-gu, Seoul.
Magiging public relations ambassadors sila sa 2030 Busan World Expo bid.
Ang grupo ay binubuo nina RM, Jin, J-Hope, Suga, Jimin, V at Jungkook.
Binigyan ang mga ito ng plaque kung saan nagtalumpati ang miyembro nila na si RM.