-- Advertisements --

Umaasa si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona na ang mga kontrobersiya na may kaugnayan sa mga proyekto para sa pagkontrol sa baha ay agad na malulutas.

Sa isang panayam ibinahagi ni Governor Remolona ang desisyon ng BSP na baguhin ang kanilang growth projection para sa susunod na taon.

Ang bagong projection ay ibinaba sa 5.3%. Ang dahilan sa likod ng pagbaba na ito ay ang “pessimistic outlook” o negatibong pananaw na nagmumula sa sektor ng negosyo.

Ito ay mas mababa kumpara sa naunang pagtataya ng BSP, na nasa pagitan ng 6% hanggang 7%.

Ang pagbaba sa inaasahang paglago ay nagpapakita ng pag-aalala ng BSP sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya at ang posibleng epekto ng mga problemang kinakaharap ng mga flood control projects.

Gayunpaman, sa kabila ng pagbaba sa projection para sa susunod na taon, nananatili pa rin si Governor Remolona na optimistic.

Inaasahan niya na muling lalakas ang ekonomiya ng Pilipinas pagsapit ng taong 2027.

Tinataya niya na ang economic growth ay aabot sa 6.3% sa taong iyon.

Para naman sa kasalukuyang taon, tinataya ng BSP na ang growth outlook ng bansa ay papalo sa pagitan ng 5.5% hanggang 6.5%.