-- Advertisements --

Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mapapalago pa nila ang digital payments ngayong taon.

Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na doble kayod sila sa panghihikayat sa mga local government units na dapat ay sumailalim sa mga digital payment na sila.

Naniniwala sila na maabot nila ang target na bilang ngayong 2023 na siyang lilipat sa mga digital payments platform.

Base sa kanilang target na dapat ay mayroong 50 percent ng mga retail transactions sa mga electronic channels at ang pagtaas ng bilang ng mga numero ng mga Filipino na nag-iimpok na sa bangko.