-- Advertisements --
Pagdedesisyunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang sa katapusan ng Oktubre kung itataas sa 2% ang interest cap sa mga credit card.
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier na ang pag-aaral ng 2% interest cap ay inihain na at ikinokonsidera ang desisyon ng Monetary Board.
Noong Setyembre 2020 kasi ay inilagay ng Monetary Board sa 24% annual interest rate cap sa lahat credit card transaction o katumbas ng 2% para maibasan ang mabigat na financial burden dahil sa COVID-19 pandemic.
Kada anim na buwan kasi ay pinag-aaralan ng BSP ang pagtataas ng credit card interest na huling pag-aaral ay noong Mayo.