-- Advertisements --

Ipinaabot ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla sa grupo ng mga negosyante ang kanilang pagpabor na magkaroon ng amyenda sa Bank Secrecy Law.

Inamin ni Medalla na pinag-aaralan na nila ang panukalang batas na magbibigay ng pagkakataon na tingnan at busisiin ang mga bank accounts ng mga pinaghihinalaang mga financial transactions.

Naniniwala si Medalla na kung maipapatupad ang mga pagbabago sa pamamagitan ng amyenda ay magpapalakas pa ito sa kapasidad ng BSP na maproteksiyunan ang mga depositors sa kanilang pagkalugi mula sa mga manloloko at iligal na gawain.

Samantala kabilang sa pinulong ng BSP kaugnay ng naturang usapin ay ang Financial Executives Institute of the Philippines.