Nakatanggap ng pinakamataas na sahod at allowances para sa taong 2021 ang mga opsiyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) base sa ulat ng Commission on Audit (COA).
Sa COA Report sa Salaries and Allowances, si BSP Governor Benjamin Diokno ang may pinakamataas na sahod at allowances na aabot sa P41.8 million.
Ilan pa sa 10 highest paid earners ay mula sa BSP na Monetary Board Members na sina Victor Tolentino na may P23.26 million salary and allowances, Felipe Medalla (P21.8 million), Antonio Abacan (P21.7 million), Peter Favila (P21.67 million), Anita Aquino (P21.4 million), at BSP Deputy Governors na sina Chuchi Fonacier (P20.2 million), Maria Almasara Amador (P20.175 million), at Francisco Dakila, Jr. (P17.8 million) at ang BSP senior assistant governor na si Ma. Ramona Santiago ( P17.3 million).
Nasa ika-12 pwesto na top earners si Solicitor General Jose Calida (16.59 million) at ika-13 si Government Service Insurance System (GSIS) President at General Manager Rolando Macasaet ( P16 million).