-- Advertisements --
image 5


Nilinaw ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa.

Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media.

Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” coin series na kanilang inisyu noon pang taong 1975.

Ang nasabing mga coin ay deklarado nang demonetized noon namang taong 1998. Ang demonetized coins ay hindi na tinatanggap bilang bayad sa mga goods and services.

Ayon pa sa central bank ang New Generation Currency (NGC) ang pinaka-latest legal tender coin series na kanilang inilabas.

Ang mga ito ay 10-Piso, 5-Piso, 1-Piso, 25-Sentimo, 5-Sentimo, at isang-Sentimo na unang inilunsad noong March 2018, habang ang 20-Piso at ang enhanced 5-Piso ay inilabas noong December 2019.

Binigyang diin pa ng BSP na ang New Generation Currency coins ay mahirap na mapeke o counterfeit dahil sa mas mahirap gayahin ang mga security features nito.

Pinayuhan na lamang ng BSP ang publiko na palaging iberipika ang mga impormasyon sa social media kaugnay sa banknote at coins o kaya tingnan ang official website ng bangko sentral sa kanilang Notes and Coins section.