-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang adjusment sa interest rate ceiling sa credit card transactions.

Ayon sa BSP na ang adjustments ay magpapataas sa maximum interest rate o finance charge ng ipinapatupad ng mga hindi nababayarang balance sa credit card holders na mula sa dating 2% ay ginawa na itong 3 percent.

Ang kasalukuyang ceiling kasi sa buwanang add-on rate na ang isang credit card issuers na maaaring singilin sa installment loans ay hanggang 1 percent.

Sinabi naman ni BSP Governor Felipe Medalla na ang adjustments ay para magkaroon ng de kalidad na credit card services sa kanilang kliyente.

Paglilinaw nito na ang caps sa credit card transactions ay ipinatupad bilang temporaryong tulong para maibsan ng financial burden ng mga consumers mula sa COVID-19.