-- Advertisements --
Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga mamamayan na nakakuha na ng bagong ₱1,000 polymer banknote na panatilihin itong malinis.
Sa inilabas na advisory ng BSP na dapat ay gamitin itong pambayad, panatilihing malinis.
Pinagbabawalan aniya na ito ay sulatan, gusutin, gupitin, butasin, sunugin, plantsahin at pahiran ng anumang kemikal dahil masisira lamang aniya ito.
Sakaling mapatunayan na sinadya ang nasabing mga pinagbabawal ng BSP ay mahaharap ang mga ito sa karampatang parusa.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na hindi lamang ito epektibo sa bagong ₱1,000 polymer banknote at sa halip ay sa lahat ng uri ng pera sa bansa.