-- Advertisements --
BSP

Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng monitoring guidelines para sa posibleng digital vote-buying activities na ginagawa sa pamamagitan ng online banking at mobile wallet applications.

Ibinahagi ni Commission on Elections Chairman George Garcia ang kopiya ng BSP Memorandum No. M-2023-30 na inisyu noong Oktubre 10 at nilagdaan ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier.

Kaugnay nito, inatasan ng BSP ang BSP-supervised financial institution (BSFIs) na ikonsidera ang mga sumusunod na posibeng scenarios sa pag-calibrate ng kanilang transaction monitoring rules at parameters.

Gaya ng mga malaking bilang ng account registrations sa isang lugar o lokalidad kung saan natukoy na laganap ang pagbebenta at pagbili ng boto.

Gayundin sa malakihang cash transactions sa sa kasagsagan ng halalan, kahina-hinalang transksiyon sa pagitan ng mga account at unsual volume o halaga sa cash in o cash out channels agents.

Pinagsusumite din ang naturang mga institusyon ng kahina-hinalang transaction reports sa Anti-Money Laundering Council pagkatapos ng imbestigasyon sa naturang mga transaksiyon na ikinokonsiderang kahina-hinala.

Hinikayat din ang mga ito na paigtingin pa ang pinaiiral na controls sa pag-detect at pagpigil sa posibleng pagdagsa ng fraudulent accounts at transactions ngayong nalalapit na ang araw ng halalan.

Ang naturang memo ay inisyu kasabay ng pagsisikap ng pamahalaan at Commission on Elections para malabanan ang vote-buying at vote-selling lalo na sa nalalapit na Barangay at SK elections.