Muli na namang nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko laban sa kumakalat na P150 banknote design.
Ayon sa central bank, wala umano silang inilalabas na P150 banknote na mayroong mukha ni Dr. Jose Rizal.
Dahil dito, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang kumakalat na banknote design sa social media ay peke.
Hinimok din ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na suriin ang legitimacy ng mga impormasyon sa social media at iba pang channels kaugnay ng banknotes at coins.
Para raw ma-verify, ay bumisita lamang ang mga consumers sa Notes and Coins section ng website ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Hinimok din ng central bank ang publiko na i-report ang mga taong sangkot sa pag-manufacture o nagdi-distribute ng mga pekeng Philippine currency sa SP Payments at Currency Investigation Group.
Kung maalala, inilabas kamakailan ng BSP ang limited edition P150 coins bilang pagkilala sa ika-150 na taong pagiging bayani ng Catholic priests Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilalang Gomburza.