-- Advertisements --
Dadagdagan pa sa mga susunod na buwan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga coin deposit machines sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan aniya ay sa ilang piling mall sa Metro Manila ito inilagay at kanila ng inaayos ang paglalagay sa iba’t-ibang probinsiya.
Layon ng nasabing coin deposit machine ay para mapaikot ang mga barya at hindi na ito itinatago dahil sa ibat-ibang mga kadahilanan.
Sa bawat deposito na ng mga barya ay maaring mailipat ang halaga nito sa kanilang electronic wallets o sa pamamagitan ng shopping vouchers na maaring magamit na ipamili.