-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lalong pagdami ng gumagamit na Philippine Payment and Settlement System (PhilPaSS) transactions sa maiksing panahon.

Ginawa ni BSP Governor Benjamin Diokno ang report sa ginanap na Bank of Japan – Institute for Monetary and Economic Studies Conference.

Ayon kay Diokno sa loob umano ng limang taon ng operasyon ang PhilPaSS ay nakapag-proseso na ng halos 1,400 transactions sa isang araw.

Lumalabas na nag-a-average daw ito ng P350 billion.

Lalo raw itong lomobo mula 2016 hanggang 2020, na nakapag-record ng 6,400 daily transactions sa average.

Napag-alaman din na nagkakahalaga ang transactions sa P1.6 trillion per day.

Ang PhilPass na na-establisa noong taong 2002, ay isang real-time gross settlement system na nagpoproseso sa mga interbank high value payment transactions sa pamamagitan ng demand deposit accounts sa mga bangko na nasa ilalim na minamantine ng BSP.