-- Advertisements --
Umaasa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na susunod na ang ibang mga bayan sa bansa na magpatupad ng “Paleng-QR PH”.
Ito ay matapos na ilunsad kamakailan sa lungsod ng Baguio ang cashless payments na naglalayon na maparami ang paggamit ng mga cashless transactions.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, na bukod sa mga palengke ay umaasa ito na maipapatupad din ang nasabing cashless payments sa mga sidewalk vendors at mga tricycle drivers.
Mula aniya noong lockdowns dahil sa COVID-19 ay maraming mga mamamayan na ang tumangkilik ng cashless payments sa bansa.