-- Advertisements --
Tiwala si Incoming Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na mapapalakas pa ang peso kontra dolyar.
Sinabi nito na malaking tulong dito ay mula sa remittances, exports at ang kita mula sa Business Process Outsourcing (BPO).
Paliwanag nito na kaya lumakas ang dolyar kontra Peso ay dahil sa itinaas ng US monetary authority ang policy rate sa 150 basis points.
Tumaas din aniya ang Philippine imports kaya nakakatulong ito sa pagbangon ng ekonomiya.










