-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang mga coin deposit machine na ipinakalat sa Greater Manila Area.

Mula sa dating 10 ay nagdagdag sila ng 15 iba pa sa iba’t-ibang mga malakaing Mall sa Bulacan, Taytay, Rizal, Antipolo, Calamba, Laguna at Metro Manila.

Sa kabuuan aniya ay mayroon ng 25 mga coin deposit machine ang matatagpuan sa nasabing at sa mga susunod na buwan ay dadalhin ito sa iba’-ibang bahagi ng bansa.

Layon ng nasabing coin deposit machine ay para magkaroon ng pag-ikot ng mga barya sa bansa.