-- Advertisements --
Dinagdagan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga automated teller machines (ATMs) sa buong bansa na maglalabas ng bagong polymer banknotes na P1,000.
Ayon sa BSP na mayroong 17,304 o katumbas ito ng 92% ng mga ATM sa bansa ang na-recalibrate na ng mga banko para maglabas ng bagong P1,000.
Sa nasabing bilang ay mayroong 7,274 ng mga polymer-ready machine ang matatagpuan dito sa National Capital Region.
Aabot kasi sa 39 milyon o 7.8% ang kabuuang P1,000 polymer banknotes ang magiging nakalabas na sa publiko mula pa noong Nobyembre.
Hinikayat din ng BSP ang mga publiko ganun din ang mga negosyante na tanggapin ang natuping perang papel maging ito ay polymer man.