-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na brown outs sa bansa kahit inilagay na sa yellow alert ang ilang planta na nagsusuplay ng kuryente sa bansa.
Sinabi ni DOE Undersecretary and Spokesperson Felix William Fuentebella, na may sapat pang suplay ng kuryente ang bansa.
Reaksyon ito ng DOE sa apat na araw na paglabas ng yellow alerts ng mga power plants.
Inilalabas ang yellow alert kapag bumagsak ang reserve power.