-- Advertisements --

Itinuturing ni naturalized basketball player Justin Brownlee na especial ang gintong medalya na nakuha ng Gilas Pilipinas sa 32nd Southeast Asian Games.

Ayon ay Brownlee na sa dami ng kaniyang mga nasalihang basketball tournament ay kakaiba aniya ang karanasan na makapaglaro sa SEA GAMES.

Hindi aniya mapapantayan ang karangalan na makakamit sa pagsuot ng basketball uniform ng Pilipinas.

Magugunitang tinalo ng Pilipinas sa men’s finals basketball ang host country na Cambodia sa socre na 80-69.

Ang panalo ng Gilas Pilipinas ay tila pagbawi ng men’s basketball team ng bansa matapos na makuha sa kanila ng Indonesia noong nakaraang SEA Game sa Hanoi, Vietnam.