Nasa Los Angeles sa Estados Unidos si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee.
Hinihintay nito kasi ang magiging desisyon ng FIBA kung gaano kahaba ang inaasahang suspension niya matapos na magpositibo sa isang cannabis compound noong magkampeon ang Gilas sa Asian Games sa Hangzhou, China noong nakaraang buwan.
Naging matagal ang desisyon dahil sa hindi sakop ng FIBA ang Asian Games at ang pasilidad ng Lausssnae-based International Testing Agency (ITA)para sa doping analysis.
Subalit ang mga opisyals, playing rules at technical operating procedures ay sakop ng FIBA.
Lumabas na rin na hindi na iaapela ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang magiging desisyon ng FIBA dahil sa tumanggi na ang SBP na humiling ng ikalawang test kay Brownlee.
Umaasa naman ang SBP na magiging magaan lamang ang ipapataw na suspension ng FIBA kay Brownlee.