Makakasama na ng San Miguel Alab Pilipinas si Justin Brownlee para sa 2020 ASEAN Basketball League (ABL).

Ito mismo ang kinumpirma ni team owner Charlie sa pagsama ng Ginebra import sa kanila.

Mula ng makuha ng Ginebra ang kampeonato sa PBA noong nakaraang taon ay nagpahayag na ang 31-anyos na si Brownlee na manatili sa bansa.

Papalitan ni Brownlee si Prince Williams kung saan sa Miyerkules ang unang pagsabak nito sa koponan na makakaharap nila ang Kuala Lumpur Dragons sa Malaysia.

Mayroon ng siyam na panalo at limang talo ang Alab.
Unang naglaro sa Alab si Brownlee noong 2018 ng makuha nila ang kampeonato.