Pinahiya ng Portland Trail Blazers ang top team na Brooklyn Nets sa Eastern nang ilampaso sa score na 128-109.
Sinamantala ng Blazers ang hindi paglalaro nina Kevin Durant at James Harden upang iposte ang kanilang wala pang talo na road games.
Walang pantapat ang Nets sa all-around performance ni Damian Lillard na nagtala ng 32 points, nine assists at seven rebounds para sa kanilang ika-35 panalo.
Sa second half ay tumipon na si Lillard ng 22 points kung saan ginamit ang third quarter upang humiwalay na ng husto ang Blazers sa Nets.
Dahil dito, nagawang putulin ng Blazers ang four-game winning streak ng Nets (43-21).
Kahit pa si Kyrie Irving na may 28 points ay hindi na rin kinaya na dalhin pa ang Brooklyn.
Sa ngayon pilit na kumakapit sa No. 7 slot ang Blazers sa Western Conference playoff.