-- Advertisements --

Nanatiling malinis ang record ng Chicago Bulls nang iposte ang ika-apat na sunod na panalo laban sa Toronto Raptors, 111-108.

Nagsama ng puwersa sina DeMar DeRozan na nagbuhos ng 26 points laban sa kanyang dating team at si Zach LaVine na nag-ambag ng 22 points.

Sa malas ng Raptors, ito na ang kanilang ikatlong pagkatalo.

Sa ibang games, Brooklyn Nets ay muli na namang pinangunahan ng kanilang superstar na si Kevin Durant na may 25 points para itumba nila ang Washington Wizards, 104-90.

Sa ngayon may 2-2 record na ang Nets, habang 2-1 naman ang hawak ng Wizards.