VOLLEYBALL 1
Volleyball

Naniniwala ang koponan ng Pilipinas na maganda ang kanilang naging performance nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng pagkakatalo sa defending champion na Thailand sa 2019 Southeast Asian Games Women’s volleyball tournament.

Inabot ng ilang match point ang huling set pero napanatili ng Thailand ang kanilang composure at tinalo ang koponan ng bansa.

Ang final score: 25-16, 25-22, 34-32 panalo ang Thailand.

Nagtulungan para sa puntos ng Pilipinas sina Alyssa Valdez na may 14 points, Mylene Paat na may 11 points at Majoy Baron na may 7 points.

Tuluyan mang nadungisan ang tsansa ng koponan sa gold medal, may pagkakataon pa rin ang women’s team na masungkit ang bronze kapag natalo ang Indonesia sa susunod nilang laban.