-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si Bronny James matapos ilang araw matapos na ito ay ma-cardiac arrest.

Ayon kay Cedars-Sinai Medical Group doctor Merije Chukumerije na patuloy ang pagbuti ng kalusugan ng panganay na anak ni NBA star LeBron James.

Nagpapakita umano ng magandang resulta ang gamutan nito matapos ang biglaang cardiac arrest.

Dagdag pa ng doctor na noong dinala ito sa pagamutan ay may malay siya at stable naman ang kaniyang mga vital organs.

Magugunitang nagka-cardiac arrest ang nakakabatang James habang ito ay nasa basketball training sa college.