-- Advertisements --

Sumulat si WNBA star Brittney Griner kay US President Joe Biden ilang buwan matapos ang kaniyang pagkakakulong sa Russia.

Nakasaad sa nasabing sulat ang apila nito kay Biden na kung maari ay tulungan siya nitong makalaya na.

Dagda pa nito na nangangamba siya na baka hindi na ito makalaya.

Magugunitang noong Pebrero ay naaresto si Griner habang nasa paliparan ng Moscow matapos makuhanan ng ipinagbabawal na substance mula sa kaniyang vape.

Noong nakaraang linggo ay dumalo ito sa pagdinig ng kaniyang kaso na inaasahang ilalabas ng korte ang magiging desisyon.