Britney Spears
Britney Spears/IG post

Balik na sa kanyang tahanan ang pop superstar na si Britney Spears makalipas ang halos isang buwan na pananatili sa isang mental health facility.

Namataan si Spears na papalabas sa naturang pasilidad na sinundo naman ng kanyang bofriend na si Sam Asghari.

-- Advertisement --

Sa kabila daw na maayos na ang singer, nangangailangan pa rin umano ito ng full recovery.

Ang good news din ay mas maayos na ito kumpara nang mag-check in siya noong nakaraang buwan.

Sinasabing labis ang naging depresyon ni Brit bunsod nang problema sa kalusugan ng kanyang ama.

Nagpadagdag pa umano ang komplikasyon sa iniinom niya na gamot at epekto nito sa kanya.

Una na ring tiniyak ni Spears na babalik kaagad siya sa pagkakanta kapag natapos na ang kaniyang pagpapagamot.

Sa kaniyang Instagram account nag-post ito ng video at sinabing dumadaan siya “matinding stress at anxiety.”

Pinabulaanan niya na binantaan niya ang buhay ng kaniyang mga kaanak at kasamahan sa trabaho.

“Wow!!! There’s rumors, death threats to my family and my team, and just so many things crazy things being said. I am trying to take a moment for myself, but everything that’s happening is just making it harder for me. Don’t believe everything you read and hear,” bahagi pa ng mahabang mensahe ni Spears. “My situation is unique, but I promise I’m doing what’s best at this moment. You may not know this about me, but I am strong, and stand up for what I want! Your love and dedication is amazing, but what I need right now is a little bit of privacy to deal with all the hard things that life is throwing my way. If you could do that, I would be forever grateful. Love you.”