Ikinasal na ang singer na si Britney Spears at fiancee na Iranian model na si Sam Asghari.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa lupain na kanilang pag-aaii sa Thousand Oaks.
Pinamunuan ni Rev. Clint Hufft ang kasal ng dalawa na siya rin ang nagkasal kay Paris Hilton.
Suot ng singer ang Versace gown habang ang naka-black versace tuxedo ang groom.
Nasa 100 bisita lamang ang inimbitahan na mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.
Ilan sa mga celebrities na dumalo ay sina Madonna, Selena Gomez, Drew Barrymore, Donatella Versace, Will I.am at Paris Hilton.
Nandoon din ang abogado niyang si Mathew Rosengart na siyang nagpanalo sa conservatorship case niya sa ama.
Inaresto naman ang dating asawa ng singer na si Jason Alexander matapos magtangkang pumunta sa kasal at manggulo.
Ikinasal ang singer at si Alexander noong 2004 at matapos ang 55 oras ay hiniwalayan niya ito.
Kinasuhan na ito ng misdemeanor trespassing, two misdemeanor counts of battery, at a misdemeanor vandalism charge.
Nakilala ni Spears si Sam noong 2016 ng makasama ang nobyo nito sa isang “Slumber Party” music video at noong Setyembre 2021 ay inalok na nito ng kasal ang nobya.