-- Advertisements --

Malungkot na ibinalita ni Britney Spears na ito ay nakunan siya sa pinagbubuntis niya.

Sa kaniyang Instagram account ay inanunsiyo nito ang nasabing malungkot na balita.

Inilarawan nito na nawalan siya at fiancé nito na si Sam Asghari ng tinawag nilang “Miracle Baby”.

Magugunitang noong Abril ay inanunsiyo ng singer ang pagbubuntis niya at handa na aniya itong bumuo ng pamilya.

Mayroon ng dalawang anak ang singer mula sa dating asawa na si Kevin Federline.