-- Advertisements --

Nagpasya si British Prime Minister Rishi Sunak na dumalo na sa Climate Change Summit sa Egypt.

Una kasing nagpasya si Sunak na hindi makakadalo sa nasabing summit dahil sa abala ito at may ibang mahalagang gagawin.

Subalit matapos na batikusin ng mga climate campaigners at opposition parties at climate adviser Alok Sharma ay nagbago ito ng pag-iisip.

Sinab ni Sunak na hindi magtatagal ang kaunlaran ng isang bansa kung hindi gagalaw para labanan ang Climate Change.

Sa harap ng mga members of Parliament na kaya siya dadalo sa summit sa susunod na linggo para maging bahagi siya sa pagkakaraoon ng malinis at sustainable future.

Noong nakaraang taon kasi ay naging host ang United Kingdom ng Conference of the Parties sa Glasgow na ito ay pinamunuan ni Sharma.