-- Advertisements --

Naka-isolate ngayon si British Prime Minister Boris Johnson at chancellor nito na si Rishi Sunak matapos na makasalamuha ang COVID-19 positive na si Health Secretary Sajid Javid.

Unang tumangging mag-isolate ang dalawa dahil sa nakikibahagi umano ang mga ito sa daily testing subalit ikinagalit ng iba pang mga opisyal.

Dahil dito ay pumayag na si Johnson na mag-isolate.

Ang nasabing pag-isolate ay isinagawa isang araw bago ang pagtanggal ng quarantine restrictions sa England.

Nanawagan si Johnson na sundin ang ginagawang pag-test and trace ng mga health officials.