Nagdeklara na ng state of emergency ang British Columbia na nasa westernmost province ng Canada sa gitna ng mabilis na pagkalat ng wildfires.
Pinangangambahang mapinsala nito ang mas marami pang kabahayan sa lugar sa palibot ng kabisera ng west kelowna.
Ang wildfire sa McDougall Creek ay lumawak pa mula sa 64 sa 6,800 hectares sa loob lamang ng 24 oras.
Nasa 4,800 na mga residente na ang kasalukuyang pinalilikas habang aabot naman sa 22,000 katao o halos kalahati ng populasyon ang na-displace sa Northwest territories ng Canada dahil sa malawakang wildfire.
Napaso na rin ang ibinigay na deadline para sa paglikas ng mga residente sa Yellowknife ang kapital ng federal territory ng Canada.
Ilang mahalagang istraktura na rin ang nawala sa lugar kabilang ang Trader’s Cove sa may hilagang bahagi ng West Kelowna.
Isinara na rin ang airspace sa may Kelowna International Airport maliban sa mga aerial firefighters na rumesponde sa wildfires.
Sa ngayon wala pa namang napaulat na nasawi mula sa mahigit 200 unprecedented wildfires na naitala sa British Columbia.