-- Advertisements --

Makakaharap ni WBC heavyweight champion Tyson Fury sa isang boxing match si mixed martial arts star Francis Ngannou.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Saudi Arabia sa darating na Oktubre 28.

Kahit ng ito ay exhibition ay susundin pa rin ang official ruling sa professional boxing kung saan mayroon tatlong judge.

Huling lumaban si Fury ay noong Disyembre ng talunin si Derek Chishora sa loob ng 10 rounds.

Ito ang unang pagkakataon na lumaban sa boxing ang 36-year-old Cameroonian-French fighter kung saan sa MMA ay mayroong 17 panalo at tatlong talo na mayroong 12 knockouts.