Pinatawan ng two-year ban si British boxer Amir Khan matapos na magpositibo sa isang ipinagbabawal na substance.
Ayon sa United Kingdo Anti-Doping agency na nagpositibo ang 36-anyos na boksingero ng ostarine.
Nakita ang nasabing substance matapos ang laban niya kay Kell Brooks noong Pebrero.
Dahil sa ban ay hindi na ito makakapaglaban sa boxing ng hanggang Abril 2024.
Ang dating light-welterweight world champion ay nag-anunsiyo ng kaniyang retirement sa Mayo matapos ang panalo niya sa ika-anim na round laban sa kapwa Briton nito na si Brook.
Ayon sa UKAD na ang ostarine ay isang uri ng droga na may parehas na epekto gaya ng testosterone.
Ipinagbabawal ito ng World Anti-Doping Agency na isang anabolic agent at ipinagbabawal na gamitin sa lahat ng uri ng sports.