-- Advertisements --
Patuloy na ang paggaling ng British auhtor Salman Rushdie matapos na siya ay masaksak habang dumadalo sa isang kaganapan sa New York City.
Ayon sa agent nito na si Andrew Wylie, natanggal na ang ventellator na nakakabit sa 75-anyos na author at ito ay nakakapagsalita na.
Posible sa mga susunod na araw ay makakalabas na ito sa pagamutan.
Magugunitang sinaksak ng 24-anyos na suspek na si Hadi Matar si Rushdie habang ito ay nasa stage sa New York.
Nagtamo ng 10 saksak sa mukha, leeg at tiyan ang author.
Si Rushdie ay nahaharap sa banta sa buhay mula ng ilabas niya ang librong “The Satanic Verses” na ikinagalit ng mga Muslims dahil ito ay isang uri na paglalapastang sa kanilang relihiyon.