Honor Blackman
Honor Blackman/ Twitter image

Pumanaw na ang actress na si Honor Blackman sa edad 94.

Ayon sa pamilya nito, nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa lewes, East Sussex dahil sa katandaa na rin nito at matagal ng iniindang sakit.

Sumikat ang British actress sa pagganap nito bilang Pussy Galore sa James Bond movie na “Goldfinger”.

Bukod sa nasabing pelikula ay nakilala ito sa kaniyang pagganap sa TV series noong 1960 na the Avengers kasama si Patrick Macnee.

Isinilang sa Plaistow sa East London noong 1925 at ito ay nagsanay sa Guildhall School of Music and Drama.