-- Advertisements --

Maluwag na tinanggap ni Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pagpalit sa kaniya ni Vice Presidential frontrunner Sara Duterte- Carpio bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa magiging Cabinet post ni Sara Duterte sa ilalim ng kaniyang papasok na administrasyon.

Ayon kay briones, handa siyang makipagtulungan gayundin ang buong kagawaran sa Duterte team para sa maayos na transition ng liderato ng Deped.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang kalihim mapupunta sa mabuting kamay ang ahensiya at umaasa sa pagpapatuloy ng Basic Education Plan 2030 na kanilang ititurn-over sa bagong administrasyon na unang pagkakataon para sa outgoing administration na mag-iiwan ng isang medium term plan.

Sa kasalukuyan, nananatiling nangunguna sina Marcos at Duterte sa presidential at vice presidential race sa partial and unofficial results ng halalan ngayong taon.

Narito pa ang dagdag na pahayag ni presumptive president Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa pagpayag umano ni Mayor Sara na hawakan ang Department of Education.