-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang dapat ipangamba ang publiko sa isinusulong muli na pagpapaliban ng 2020 barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ito ang tiniyak sa panayam ng Bombo Radyo ni Interior Usec. Martin Diño na nagsabing hindi magagamit sa pamumulitika ang inaasahang extended na posisyon ng mga kasalukuyang local officials kung hindi matutuloy ang halalan sa kanilang lebel.

Niratipikahan na ng Senado at Kamara sa ilalim ng bicameral conference committee report ang resolusyon ng postponement ng May 11, 2020 elections, na nagpapanukalang iuring sa December 5, 2022.

Ayon kay Diño, sisiguraduhin nilang mahigpit ang pagbabantay na gagawin ng ahensya sa mga opisyal na aabuso sa kanilang posisyon.

Bukod daw kasi sa dismissal, patung-patong na kaso rin ang aasahan ng mga mapapatunayang pasaway na opisyal.

Hinimok ng Interior secretary ang local officials na ngayon pa lang ay ikonsidera na ang pagbuo pa ng mga plano na magsasa-ayos sa trabaho ng lokal na pamahalaan.

Kabilang na raw dito ang mga barangay anti-drug abuse council (BADAC), pagpatupad ng solid waste management program, national immunization, road clearing at insurgency-related measures.