samar calbayog biliran northern samar eastern samar
IMAGE | Calbayog City, Samar map/Wikipedia

TACLOBAN CITY – Sugatan ang isang barangay kagawad habang patay ang kasama nito nang pagbabarilin sa Calbayog City, Samar.

Kinilala ang nakaligtas na opisyal na si Danny Fernando, 44, samantalang ang nasawi ay kinilalang si Plomen Labasan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng motorcan ang dalawa nang pagbabarilin ng isang lalaki na nagpanggap umano na pasahero.

Nagtamo ng mga tama ng baril sa katawan ang nasawing kasama ni Fernando.