-- Advertisements --
LAOAG CITY – Huli ang pitong katao kabilang na ang isang barangay kagawad dahil sa iligal na sugal sa isang lamay sa Barangay 6 dito sa lungsod ng Laoag.
Base sa PNP-Laoag, may natanggap silang impormasyon na mayroon umanong iligal na nagsusugal sa naturang barangay.
Sa kanila umanong pagresponde ay naaktuhan nila na naglalaro ang mga ito ng lucky 9 ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga otoridad ang 4,570 na piso, isang set ng baraha, upuan at lamesa.
Sa ngayon ay inihahanda na nga mga otoridad ang reklamo na isasampa sa mga suspek.